Book review: Lala Burara

Paano mo ipapaliwanag sa mga bata ang kahalagahan ng kalinisan? Sa creative na kwento! For sure, matututunan na nilang maging malinis, tataas pa grades nila sa School Card sa category na Cleanliness. Haha!

Anyhoo, nagpapasalamat kami kay Excel Dyquiangco sa pangalawang children's book na pinadala niya para sa aking anak, ang Lala Burara.



Ito kasing si Lala naku super messy sa bahay. 100 times na ata siyang sinabihan ng kanyang mother goose na maglinis pero waley.



Tinayuan na ng sariling kolonya ng daga at republika ng ipis yung kuwarto niya. Hanggang sa one afternoon paggising niya halaaaa puro baging everywhere. Gapang to the max ang ating bida at dun niya nakitang binalot ng monster plant ang Mommy niya. Then, bigla niya naalala yung science project niya na halaman.



Takbong super fast si Lala sa kwarto niya at doon, nakita niya ang monster plant slash science project. Bago pa siya mahablot, kinuha niya at hinablot sa ugat with her 101% super strength yung halaman.At siya'y nagwagi ng bonggang-bongga. Ang monster plant, deds na. At simula noon, palagi na siya naglilinis ng kwarto at bahay.


Gusto ni baby girl ko itong story na 'to. Ayaw niya daw matawag na 'burara' kaya kapag sinabihan siyang "pick up your toys" at "clean up", inaayos niya mga gamit niya. Although, again, tulad ng sa "I Don't Like To Eat", I would recommend na 8 y/o pataas ang readers. May monster kasi, baka matakot ang maliliit na kids.

1 comments

  1. We are glad that you enjoyed your books with your little one :)

    ReplyDelete

GET FREE TIPS and UPDATES

Enter your email. We'll never share your address.

Contact Form

Name

Email *

Message *

Search This Blog